Ang hunyang sa daang ginto
by Jemson Cayetayo
Sa lupalop ng Mu ay matatagpuan ang ilang mga piling taong nagtataglay ng kapangyarihang gayahin ang anyo at mga kakayahan ng ibang hayop o nilalang. Ang mga tulad nila ay kilala sa tawag na "Hunyang." May dalawang kondisyon bago makuha at magamit ng isang Hunyang ang anyo ng isang hayop o nilalang: 1. Kailangang mamatay ng hayop o nilalang sa kanyang mga kamay. 2. Kailangan niyang makainom ng kahit isang patak ng dugo ng hayop o nilalang na pinaslang. Sa sandaling magawa ng Hunyang ang mga kondisyong ito, maaari na niyang gamitin ang wangis at mga kakayahan ng nasabing hayop of nilalang - kailan man niya naisin. Magmula sa sandaling iyon, ang dugong dumanak ay habambuhay magiging kaisa ng kanyang dugo. Sandugo. Sa mundo na pagpatay ang tiyak na paraan upang maging mas makapangyarihan, mapaninindigan kaya ng Hunyang na si Ilaya ang pangakong hindi na kailanman kikitil ng buhay ng ibang nilalang? Sapat kaya ang anyo ng nag-iisa niyang Sandugo na kalapati para tuparin ang kanyang misyon? O kailangan niya ring talikuran ang paniniwala at matutong pumaslang, upang maging isang mas makapangyarihang Hunyang?" -- back cover.
Get BookMosh